Tsamba

, Tuesday, November 16, 2010 8:29 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"hindi komo matalino kapatid mo ay may karapatan ka ng maging tanga! ayokong sabihin nila na nakatsamba lang ako, ha."

Smart

, Sunday, November 7, 2010 1:47 AM

Ang sabi ng tatay ko: 

"mas lalo ka lang magmumukhang tanga pag nagpanggap kang matalino ka."

Latigo

12:37 AM

Ang sabi ng tatay ko: 
"oo nga, long hair nga si Jesus pero anak, di ba nilatigo sya... kaya kapag di ka nagpagupit ng buhok ako naman lalatigo sa iyo."

Gusto ko lang naman maging rockstar tulad ni Jesus!

Wer na hu?

, Monday, November 1, 2010 1:30 AM

Ang sabi ng tatay ko: 

"hindi kita pinag-aral sa kolehiyo para lang mag inglis ng "wer na u?" at "hu u?"

---Lalo na siguro kung mag jejemon ako...



Diatabs

, Friday, October 29, 2010 11:13 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"wag kang masyadong magpaka inlab anak. di mo ba alam na ang pag-ibig... nakapagtatae."

Kubeta

, Saturday, October 23, 2010 5:52 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"wag nga kayong masyadong maarte sa pagkain! ke mahal yan o mura alam naman nating lahat kung saan lalabas yan bukas."

Oo, lumalabas na ang menudo... nakita ko na yung green peas.

Tattoo

, Friday, October 22, 2010 5:51 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"gusto mo magpa tattoo? kunin mo yung bolpen at ako na lang magta-tattoo sa yo. anong gusto mo OXO o Sputnik?"

Simpleng tattoo lang naman ang gusto ko...

Rakenrol

, Saturday, October 16, 2010 6:03 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"di naman kita binabawalang maging rakista, anak. binabawalan lang kitang sumama sa mga rakistang adik."

Rakistang adik?

Janitor

, Friday, October 15, 2010 5:56 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"ayaw mo rin lang gumawa ng assignment mo maglinis ka na lang ng kubeta... para ma-praktis mo na ang future career mo.

Auditor ako ngayun!

Takaw

, Wednesday, October 13, 2010 10:00 PM

Sumakit ang tyan ng kapatid ko... ang sabi ng tatay ko: 

"anong kulam kulam? kung ano ano kasi kinakain mo kaya masakit tyan mo. matakaw ka kase!"

Mukha bang kulam ang dahilan neto?

Nuno

, Sunday, July 4, 2010 6:05 PM

Umiyak ang kapatid kong lalaki at nagreklamo na parang maga daw ang bayag nya. Ang sabi nya natatakot daw sya at baka nabati sya ng nuno sa punso... ang sabi ng tatay ko: 


"anong nuno sa punso? kaya sumakit ang itlog mo kasi umihi ka sa bahay ng anay kaya kinagat ng anay ang itlog mo!"

Bayag na malaki sana ilalagay kong picture kaso me mga madreng bumabasa ng blog na ito.

Panget

, Friday, July 2, 2010 6:06 PM

Minsang nagsama ako ng GF sa bahay nagtampo ako sa tatay ko kasi nag comment ng di maganda. Nag sorry naman sya... ang sabi ng tatay ko
"Di ko naman sinasabing pangit GF mo. Ang sabi ko, mas maganda ang kapatid at pag magkalapit sila pumapangit sya."
Hindi naman ito picture ng GF ko! Nakita ko lang ito DITO.

Sinungaling

, Wednesday, June 30, 2010 10:42 PM


Masama daw matulog ng basa ang buhok. Nakakabaliw. Bawal daw magwalis sa gabi. Mawawala ang swerte. Kapag ikaw ay kumakain at nahulog ang kutsara, may darating na bisitang babae. Kung tinidor naman ang nahulog, bisitang lalaki ang darating.... ang sabi ng tatay ko: 
"wag ka ngang magpapaniwala sa pamahiin! kasabihan lang yan ng matatandang sinungaling."

Larawan ng isang matandang sinungaling!

Celebrate

, Monday, June 28, 2010 12:12 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"wag nyo akong ipaghanda sa birtday ko! anong ise-celebrate ko... na pag minsan di ko na mapigilan pag-ihi ko?""

Mind

, Saturday, June 26, 2010 7:13 PM

Nagkukwento ang tatay ko at nabanggit nya na nararamdaman na nya ang katandaan nya. Me nag comment... ang sabi ng tatay ko: 

"AGE is ALL in the MIND? subukan mong makaranas ng rayuma at incontinence. tingnan ko kung sabihin mo pa yang quote na yan."

Valentines

5:04 PM

Valentines day. Me nag text... ang sabi ng tatay ko: 

"Ano ba tong Happy VD? Sino ba namang merong VD ang masaya. Ikaw ba tatawa ka pag nalaman mong me TULO ka?"

Iyakin

, Thursday, June 24, 2010 8:45 PM

Umuwi ako na maga ang mata dahil sa pag-iyak. Nakipag suntukan kasi ako sa school nuon at ako ay natalo... ang sabi ng tatay ko: 

"sa uulitin, kung makikipag-away ka wag na wag kang uuwing umiiyak kasi ako mismo gugulpi sa yo!"

Bumbay

, Sunday, June 20, 2010 8:59 PM

Namimili kami ng damit sa mall. May nakita akong mamahaling tshirt na kamukhang kamukha nung binili ko sa Divisoria... ang sabi ng tatay ko: 

"ang porma, wala yan sa brand, anak. tingnan mo si ranjit, yung bumbay, naka lacoste nga pero amuy putok pa rin."

Jeep

, Saturday, June 19, 2010 5:17 PM

Nung kinukulit ko ang tatay ko na turuan akong mag drive... ang sabi ng tatay ko: 

"bakit ba gusto mong matutong magmaneho? me kotse ka ba? kung akala mo pahihiramin kita ng jeep ko, pwes nagkakamali ka!"

Computer

, Thursday, June 17, 2010 7:36 PM

Dahil sa sobrang kaka-internet ko dati... ang sabi ng tatay ko: 

"wag mong sayangin ang buhay mo sa harap ng computer. walang maidudulot na mabuti sa iyo yan!"

---pero ang trabaho ko ngayun ay may kinalaman sa computer...

Fruit

, Tuesday, June 15, 2010 10:15 PM

Habang kumakain naging topic ang pag-ibig sa family reunion. Nagkakainitan ng pagtatalo... ang sabi ng tatay ko: 

"ang LOVE parang fruit salad lang yan... wag mo na itanong kung baket! kakainin mo pa ba yang salad mo? akin na lang."

Nasobrahan sa fruit salad...

Nasobrahan sa LOVE...

Perfume

, Saturday, June 12, 2010 12:32 PM

May umalingasaw. Maraming nagreklamo. Ang salarin pala ay ang tatay ko... ang sabi ng tatay ko: 

"mabaho ang utot ko!? aba'y saan ka naman naka-amoy ng utot na mabango?"

Grunge

, Wednesday, June 9, 2010 5:48 PM

Puting tshirt, punit na pantalon, Doc Marten boots, at cardigan (pormang ala Kurt Cobain)... ang sabi ng tatay ko: 

"okay lang sa akin kung gusto mo magmukhang adik basta wag ka lang mag-adik at sigurado buburahin ko mukha mo."

Nung tinanong ko kung pwedeng kong gayahin si Karl Roy muntik din nya burahin mukha ko...

Teacher

, Monday, June 7, 2010 10:19 PM

Nakikipag debate ako sa tatay ko at ayaw kong magpatalo... ang sabi ng tatay ko: 

"ah, so ibig sabihin mas magaling ka sa akin? alam mo, ang talino mo... bakit di ka na lang naging titser."

Haiti

, Sunday, June 6, 2010 5:57 PM

Ang nanay ko ay napakahilig mangonsyensya kapag me nakikitang tirang pagkain sa plato. Ang sabi ng tatay ko: 

"di ko na nga kayang UBUSIN!!! bakit, pag pinilit ko ba kainin yan mabubusog ba ang mga bata sa Haiti?"

Tiwala

, Friday, June 4, 2010 9:35 PM

May humingi ng tulong sa amin. Anak ng pinsan ng tatay ko. Pumasok ako ng bahay para kumuha ng pera ng pigilan ako ng tatay ko... ang sabi ng tatay ko: 

"wag kang maniwala dyan. oo nga kamag-anak ko yan, pero hunghang yan!"

Rush

, Wednesday, June 2, 2010 10:21 PM

Nakikinig ako ng Metallica... ang sabi ng tatay ko: 

"walang kwenta yang sounds mo. pakinggan mo tong tape ko, RUSH yan. yan ang rakenrol!"

--- at na-adik nga ako sa tugtugan ng RUSH... 

Jawo

, Monday, May 31, 2010 8:26 PM

Nagpapa-alam ang kapatid ko na sasali sa liga ng basketball na inter-baranggay... ang sabi ng tatay ko: 

"magta try out ka sa basketball!? kilala mo si Totoy dyan sa kanto? magaling sa basketball yun... ano sya ngayun? TAMBAY!"
Picture ng actual try-out!

Aw!

, Friday, May 28, 2010 9:48 PM

Minsang narinig ng tatay ko na pinapagalitan ng kapatid ko ang kanyang aso... ang sabi ng tatay ko: 
"kung gusto mong sundin ka ng aso wag mo kausapin ng english. dapat ganito... aw, aw, aw, aw, aw!"
Eh, Gago nga yung aso diba?

Heartrob

, Wednesday, May 26, 2010 11:12 PM

Nung mabasted ako at nahalata ng tatay ko na malungkot ako... ang sabi ng tatay ko: 

"wag kang magmadali anak, madami pa babae dyan. kung ayaw nila sabihin mo "kung di kayo magkukusa di nyo ko matitikman"."

Ang problema, ito ang mga gustong tumikim sa akin! Mukha ba akong ulam!

Kulto

, Monday, May 24, 2010 10:07 PM

Pinag-uusapan namin ang concert na pupuntahan namin nang biglang sumabad ang tatay ko... ang sabi ng tatay ko: 
"Parokya Ni Edgar? Sumali ka ba sa kulto?"

Kunsabagay, matatakot din ako pag nakita kong ganito sinamahang kulto ng anak ko...

Imbento

, Friday, May 21, 2010 10:42 PM

Ipinagyayabang ko sa mga kapatid ko ang features ng aking iPhone... ang sabi ng tatay ko: 
"ikaw ba umimbento nyan? kung hindi, wag mong ipagyabang. binili mo lang yang celfon na yan. kahit sino kayang gawin yun."

Eto ang imbento kong camera phone!

Boobs

, Wednesday, May 19, 2010 8:41 PM

Dahil sa madaming nagko comment na mana daw ako sa nanay ko... ang sabi ng tatay ko: 

"kung talagang mana ka sa nanay mo dapat me boobs ka! kaya sigurado akong sa akin ka nagmana."

Gago

, Monday, May 17, 2010 8:39 PM

Minsan nagtalo ang nanay ko at tatay ko sa pagpapangalan ng aso... ang sabi ng tatay ko: 

"aso ko yan kaya papangalanan ko ng kahit anong gusto ko at ang gusto kong pangalan nya ay GAGO!"
Pictured: Ang gagong aso!

---nagkaron din kaming aso na ang pangalan ay Darling, Pukengkeng, at Halimaw

Damo

, Friday, May 14, 2010 9:38 PM

Pag bata ka pa natural lang naman na medyo tamad ka maligo... ang sabi ng tatay ko: 

"pag di mo hinilod and batok mo tutubuan yan ng damo!"

Balato

, Wednesday, May 12, 2010 9:35 PM

Nahilig ako sa pusoy dos dati... ang sabi ng tatay ko:

"pag di mo tinigilan ang pagsusugal mong bata ka hinding hindi na kita babalatuhan pag nanalo ako sa sabong!"
Magalit pa kaya sya pag nalaman nya kung ano pustahan namin?

Pasko

, Monday, May 10, 2010 4:12 PM

Nung teenager na kami, kapag weekends at bakasyon kami ay obligadong magtinda sa palengke o sa aming sari sari store. Minsan nagpaalam ako na maglakwatsa ng araw ng Pasko... ang sabi ng tatay ko: 

"ano ang pagkaka-iba ng pasko sa ibang araw? tumatae ka rin, kumakain ka rin. kaya tama lang na magtrabaho ka rin."

Kapalaran

, Sunday, May 9, 2010 11:28 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"kung totoong nakakabulag yun e bakit ako hanggang ngayun nakakakita pa?"

---ayoko ng idetalye pa kung ano "YUN."

Jejemon

11:54 AM

"Jejeje. NaK2tAwa nMn pFoeh uNg joKe mo uNcLe. Jejeje." ang reply ng pinsan ko sa forwarded na joke ng tatay ko... ang sabi ng tatay ko: 

"tingnan mo nga itong text ng abnormal na pinsan mo at puro jejeje... ano ba ibig sabihin ng lintek na jejeje na yun?"
Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan? Juskupong pineapple!

--- at nung mapanuod nya sa 
TV ang tungkol sa Jejemon
"ay puta! ayun pala ibig 
sabihin ng jejeng yan"

P#^&*6I%4!

, Saturday, May 8, 2010 9:49 PM

Nung mga bata pa lang kami at nagsisimula pa lang matutong magsalita ng kabastusan at mga mura... minsan nadinig ako ng tatay ko na nagmura. Ang sabi ng tatay ko:

"tangina kang bata ka! san ka natutong magmura ha! hayup kang walangya ka. yan ba tinuturo ko sa yo!? gago ka!"

Doktor?

9:25 PM

Minsan na natapilok ako. Resulta, namaga ang paa ko. Takot ako na magpadala sa doktor kasi ayoko pa sementuhan paa ko. Kaya sabi ko sprain lang yun at pilit ko nilalagyan lang ng yelo... ang sabi ng tatay ko.

"doktor ka ba? hinde? o, halika dito at ako ang magsasabi kung sprain nga yan o me bali na..."