Pagpili v1

, Saturday, November 5, 2011 8:36 AM

On relationships: Ang sabi ng tatay ko...

"Wag kang manliligaw ng babaeng mas matindi pa ang topak sa'yo."


Costume Party

, Wednesday, November 2, 2011 10:48 PM

.
Tinatamad akong um-attend sa isang compulsory Halloween Party ng school. Ang sabi ng tatay ko...

"E di wag kang pumunta. Tapos pag hinanap ka sa halloween party na di mo sinipot, sabihin mo naka costume ka bilang si Invisible Man"

Anjan ako... pramis!

Tip Kung Paano Magka Syota

, Tuesday, November 1, 2011 7:25 PM

.
.
Minsan nagtanong ang kapitbahay naming binata, na 30 years old na, kung ano daw ba ang sikreto para magkaruon ng syota. Binigyan naman sya ng tip ng tatay ko. Ang sabi ng tatay ko...

"Unang una, ang pinaka-importante sa lahat, ang hinding hindi mo dapat gawin... WAG NA WAG KANG MAGIGING PANGIT!"

Tip # 1

Ang Hotdog Ni Aljur

, Monday, June 20, 2011 3:37 AM

Nanunuod kami ng TV ng biglang lumabas ang commercial ng Century Tuna Hotdog. Ang sabi ng tatay ko:

"Putang-inang commercial yan. Pakilipat mo nga at na-a-alibadbaran ako dyan. Tang-ina, wag muna tayong mag-u-ulam ng hotdog at malamang na di ako makakain."

Tangina mo Aljur! Hanggang ngayun di pa rin kami makapag ulam ng hotdog!

Lol!

, Wednesday, June 8, 2011 1:08 AM

Nung bago pa lang celphone ng tatay ko mahilig sya mag forward ng mga joke. Ang reply ko ay "Haha" lagi. Pero minsan nakapag reply ako ng LOL... ang sabi ng tatay ko: 

"oy bata ka, bakit mo ko sinasabihan ng LOL. hindi komo nag forward ako ng jokes sayo e pwede mo na ko sabihan ng ulol!"

Wag na wag...

, Tuesday, April 12, 2011 1:25 AM

Elementary ako. Umuwi ako isang araw na dumudugo ang ilong at maluha-luha. Napa-away kasi ako at masama ang loob ko kasi natalo ako sa suntukan. Ang sabi ng tatay ko:

"Ayus lang yan anak. Okay lang na matalo sa suntukan. Bukas makalawa makakalimutan na ng mga kaklase mo yan. Ang wag na wag mo lang gagawin sa eskwela, na sigurado akong pag-uusapan nila hanggang sa pagtanda nyo, ay ang matae sa salawal. Yun ang wag na wag mong gagawin kasi for life mo na tatak yun."

Buy 1, Take 1

, Friday, April 1, 2011 1:36 AM

Ang sabi ng tatay ko...

"Siguro nung mag buy1 take 1 ng katangahan nangunguna ka sa mga pumila para bumili."

Wow

, Tuesday, February 22, 2011 11:34 PM

Habang nanunuod ng isang noontime show, ang sabi ng tatay ko:

"Yan mga anak ang example ng mga taong walang respeto sa sarili. Pipila sa istasyon ng TV, ikakalat ang sariling baho para sa kaunting halaga. Tangina, wag na wag ninyong gagawain yan."

Pillow-sopo

, Monday, February 21, 2011 10:54 PM

Merong kasabihan ang matatanda na kung gusto mo madaling makabisado ang aralin mo dapat gawin mong unan ang libro mo. Ang sabi ng tatay ko...

"Sinong gagong ang maysabi sa'yo nun? Si Manong Buknoy? E hindi nga naka gradweyt ng elementarya iyun e. Anak, ituro mo sa akin ang naniniwala sa kasabihan na iyan na honor student. Wala!? O. bueno, basahin mo ang mga libro mo at wag mong gawing unan... baka matuluan mo pa ng panis na laway yan."

Best Ever

, Saturday, February 19, 2011 12:07 PM

College ako... Nahulihan ako ng nanay ko ng underwear na amoy seks (sa mga nakaranas na... alam nyo na kung ano amoy nun). Sinumbong ako sa tatay ko...

Ang sabi ng tatay ko...

P*tangina kang bata ka. Kaya mo na bang bumuhay ng pamilya? Napakabata mo pa para sa ganyan. Pa'no kung makabuntis ka! Gago ka!

Pagtalikod ng nanay ko... inabutan ako ng kondom ng tatay ko, kumindat, nag-thumbs up sign sabay bulong "Good job!"