Wow

, Tuesday, February 22, 2011 11:34 PM

Habang nanunuod ng isang noontime show, ang sabi ng tatay ko:

"Yan mga anak ang example ng mga taong walang respeto sa sarili. Pipila sa istasyon ng TV, ikakalat ang sariling baho para sa kaunting halaga. Tangina, wag na wag ninyong gagawain yan."

Pillow-sopo

, Monday, February 21, 2011 10:54 PM

Merong kasabihan ang matatanda na kung gusto mo madaling makabisado ang aralin mo dapat gawin mong unan ang libro mo. Ang sabi ng tatay ko...

"Sinong gagong ang maysabi sa'yo nun? Si Manong Buknoy? E hindi nga naka gradweyt ng elementarya iyun e. Anak, ituro mo sa akin ang naniniwala sa kasabihan na iyan na honor student. Wala!? O. bueno, basahin mo ang mga libro mo at wag mong gawing unan... baka matuluan mo pa ng panis na laway yan."

Best Ever

, Saturday, February 19, 2011 12:07 PM

College ako... Nahulihan ako ng nanay ko ng underwear na amoy seks (sa mga nakaranas na... alam nyo na kung ano amoy nun). Sinumbong ako sa tatay ko...

Ang sabi ng tatay ko...

P*tangina kang bata ka. Kaya mo na bang bumuhay ng pamilya? Napakabata mo pa para sa ganyan. Pa'no kung makabuntis ka! Gago ka!

Pagtalikod ng nanay ko... inabutan ako ng kondom ng tatay ko, kumindat, nag-thumbs up sign sabay bulong "Good job!"