Parang patay-gutom daw

, Sunday, January 22, 2012 9:47 AM

Isinama ko ang bago kong GF sa bahay. Pagkatapos naming kumain ng dinner, ang sabi ng tatay ko...

"Anak, next time na isasama mo sa bahay ang syota mo pakainin mo naman kahit meryenda lang. Abay halos ulam na natin ng isang linggo ang kinain nya."

Bumulong pa sa nanay ko:

"Nakita mo ba kung paano sumubo? Aba'y ga-ulo ng pusa. Saan kaya dinadala ng batang yan ang kinakain. Ay napakapayat naman."

Agree ako dito

9:45 AM

Kapag inaayang magsimba ang sinasabi ng tatay ko...


"Matulungin ako sa kapwa ko, masipag ako, mabait akong ama at asawa, bakit kailangan kong ubusin ang isang oras ng buhay ko para makinig sa pananakot ng mga pari na baka mapunta ako sa impyerno?"