Showing posts with label Wais. Show all posts
Showing posts with label Wais. Show all posts

What Are You Jueteng For?

, Wednesday, March 21, 2012 10:28 PM

"Ang pag-ibig, parang jueteng lang ‘yan. Kahit ilang dasal pa ang dasalin mo na mapanalunan ‘yan, kung hindi ka tataya, wala kang mapapala." 


--- Ang sabi ng tatay ko nung tanungin ni Mang Dennis, kubrador ng jueteng, kung paano daw ba sya magkaka-syota.



Agree ako dito

, Sunday, January 22, 2012 9:45 AM

Kapag inaayang magsimba ang sinasabi ng tatay ko...


"Matulungin ako sa kapwa ko, masipag ako, mabait akong ama at asawa, bakit kailangan kong ubusin ang isang oras ng buhay ko para makinig sa pananakot ng mga pari na baka mapunta ako sa impyerno?"

Pagpili v1

, Saturday, November 5, 2011 8:36 AM

On relationships: Ang sabi ng tatay ko...

"Wag kang manliligaw ng babaeng mas matindi pa ang topak sa'yo."


Costume Party

, Wednesday, November 2, 2011 10:48 PM

.
Tinatamad akong um-attend sa isang compulsory Halloween Party ng school. Ang sabi ng tatay ko...

"E di wag kang pumunta. Tapos pag hinanap ka sa halloween party na di mo sinipot, sabihin mo naka costume ka bilang si Invisible Man"

Anjan ako... pramis!