Nagpapa-alam ang kapatid ko na sasali sa liga ng basketball na inter-baranggay... ang sabi ng tatay ko:
"magta try out ka sa basketball!? kilala mo si Totoy dyan sa kanto? magaling sa basketball yun... ano sya ngayun? TAMBAY!"
|
Picture ng actual try-out! |
| Minsang narinig ng tatay ko na pinapagalitan ng kapatid ko ang kanyang aso... ang sabi ng tatay ko: "kung gusto mong sundin ka ng aso wag mo kausapin ng english. dapat ganito... aw, aw, aw, aw, aw!"
|
Eh, Gago nga yung aso diba? |
|
Nung mabasted ako at nahalata ng tatay ko na malungkot ako... ang sabi ng tatay ko:
"wag kang magmadali anak, madami pa babae dyan. kung ayaw nila sabihin mo "kung di kayo magkukusa di nyo ko matitikman"."
|
Ang problema, ito ang mga gustong tumikim sa akin! Mukha ba akong ulam! |
| Pinag-uusapan namin ang concert na pupuntahan namin nang biglang sumabad ang tatay ko... ang sabi ng tatay ko:
"Parokya Ni Edgar? Sumali ka ba sa kulto?"
|
Kunsabagay, matatakot din ako pag nakita kong ganito sinamahang kulto ng anak ko... |
|
| Ipinagyayabang ko sa mga kapatid ko ang features ng aking iPhone... ang sabi ng tatay ko: "ikaw ba umimbento nyan? kung hindi, wag mong ipagyabang. binili mo lang yang celfon na yan. kahit sino kayang gawin yun."
|
Eto ang imbento kong camera phone! |
|
Dahil sa madaming nagko comment na mana daw ako sa nanay ko... ang sabi ng tatay ko:
"kung talagang mana ka sa nanay mo dapat me boobs ka! kaya sigurado akong sa akin ka nagmana."
Minsan nagtalo ang nanay ko at tatay ko sa pagpapangalan ng aso... ang sabi ng tatay ko:
"aso ko yan kaya papangalanan ko ng kahit anong gusto ko at ang gusto kong pangalan nya ay GAGO!"
|
Pictured: Ang gagong aso! |
---nagkaron din kaming aso na ang pangalan ay Darling, Pukengkeng, at Halimaw
Pag bata ka pa natural lang naman na medyo tamad ka maligo... ang sabi ng tatay ko:
"pag di mo hinilod and batok mo tutubuan yan ng damo!"
Nahilig ako sa pusoy dos dati... ang sabi ng tatay ko:
"pag di mo tinigilan ang pagsusugal mong bata ka hinding hindi na kita babalatuhan pag nanalo ako sa sabong!"
|
Magalit pa kaya sya pag nalaman nya kung ano pustahan namin? |
Nung teenager na kami, kapag weekends at bakasyon kami ay obligadong magtinda sa palengke o sa aming sari sari store. Minsan nagpaalam ako na maglakwatsa ng araw ng Pasko... ang sabi ng tatay ko:
"ano ang pagkaka-iba ng pasko sa ibang araw? tumatae ka rin, kumakain ka rin. kaya tama lang na magtrabaho ka rin."
Ang sabi ng tatay ko:
"kung totoong nakakabulag yun e bakit ako hanggang ngayun nakakakita pa?"
---ayoko ng idetalye pa kung ano "YUN."
"Jejeje. NaK2tAwa nMn pFoeh uNg joKe mo uNcLe. Jejeje." ang reply ng pinsan ko sa forwarded na joke ng tatay ko... ang sabi ng tatay ko:
"tingnan mo nga itong text ng abnormal na pinsan mo at puro jejeje... ano ba ibig sabihin ng lintek na jejeje na yun?"
|
Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan? Juskupong pineapple! |
--- at nung mapanuod nya sa
TV ang tungkol sa Jejemon
"ay puta! ayun pala ibig
sabihin ng jejeng yan"
Nung mga bata pa lang kami at nagsisimula pa lang matutong magsalita ng kabastusan at mga mura... minsan nadinig ako ng tatay ko na nagmura. Ang sabi ng tatay ko:
"tangina kang bata ka! san ka natutong magmura ha! hayup kang walangya ka. yan ba tinuturo ko sa yo!? gago ka!"
Minsan na natapilok ako. Resulta, namaga ang paa ko. Takot ako na magpadala sa doktor kasi ayoko pa sementuhan paa ko. Kaya sabi ko sprain lang yun at pilit ko nilalagyan lang ng yelo... ang sabi ng tatay ko.
"doktor ka ba? hinde? o, halika dito at ako ang magsasabi kung sprain nga yan o me bali na..."