Ang Hotdog Ni Aljur

, Monday, June 20, 2011 3:37 AM

Nanunuod kami ng TV ng biglang lumabas ang commercial ng Century Tuna Hotdog. Ang sabi ng tatay ko:

"Putang-inang commercial yan. Pakilipat mo nga at na-a-alibadbaran ako dyan. Tang-ina, wag muna tayong mag-u-ulam ng hotdog at malamang na di ako makakain."

Tangina mo Aljur! Hanggang ngayun di pa rin kami makapag ulam ng hotdog!

Lol!

, Wednesday, June 8, 2011 1:08 AM

Nung bago pa lang celphone ng tatay ko mahilig sya mag forward ng mga joke. Ang reply ko ay "Haha" lagi. Pero minsan nakapag reply ako ng LOL... ang sabi ng tatay ko: 

"oy bata ka, bakit mo ko sinasabihan ng LOL. hindi komo nag forward ako ng jokes sayo e pwede mo na ko sabihan ng ulol!"