Diatabs

, Friday, October 29, 2010 11:13 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"wag kang masyadong magpaka inlab anak. di mo ba alam na ang pag-ibig... nakapagtatae."

Kubeta

, Saturday, October 23, 2010 5:52 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"wag nga kayong masyadong maarte sa pagkain! ke mahal yan o mura alam naman nating lahat kung saan lalabas yan bukas."

Oo, lumalabas na ang menudo... nakita ko na yung green peas.

Tattoo

, Friday, October 22, 2010 5:51 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"gusto mo magpa tattoo? kunin mo yung bolpen at ako na lang magta-tattoo sa yo. anong gusto mo OXO o Sputnik?"

Simpleng tattoo lang naman ang gusto ko...

Rakenrol

, Saturday, October 16, 2010 6:03 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"di naman kita binabawalang maging rakista, anak. binabawalan lang kitang sumama sa mga rakistang adik."

Rakistang adik?

Janitor

, Friday, October 15, 2010 5:56 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"ayaw mo rin lang gumawa ng assignment mo maglinis ka na lang ng kubeta... para ma-praktis mo na ang future career mo.

Auditor ako ngayun!

Takaw

, Wednesday, October 13, 2010 10:00 PM

Sumakit ang tyan ng kapatid ko... ang sabi ng tatay ko: 

"anong kulam kulam? kung ano ano kasi kinakain mo kaya masakit tyan mo. matakaw ka kase!"

Mukha bang kulam ang dahilan neto?