Sinungaling

, Wednesday, June 30, 2010 10:42 PM


Masama daw matulog ng basa ang buhok. Nakakabaliw. Bawal daw magwalis sa gabi. Mawawala ang swerte. Kapag ikaw ay kumakain at nahulog ang kutsara, may darating na bisitang babae. Kung tinidor naman ang nahulog, bisitang lalaki ang darating.... ang sabi ng tatay ko: 
"wag ka ngang magpapaniwala sa pamahiin! kasabihan lang yan ng matatandang sinungaling."

Larawan ng isang matandang sinungaling!

Celebrate

, Monday, June 28, 2010 12:12 PM

Ang sabi ng tatay ko: 

"wag nyo akong ipaghanda sa birtday ko! anong ise-celebrate ko... na pag minsan di ko na mapigilan pag-ihi ko?""

Mind

, Saturday, June 26, 2010 7:13 PM

Nagkukwento ang tatay ko at nabanggit nya na nararamdaman na nya ang katandaan nya. Me nag comment... ang sabi ng tatay ko: 

"AGE is ALL in the MIND? subukan mong makaranas ng rayuma at incontinence. tingnan ko kung sabihin mo pa yang quote na yan."

Valentines

5:04 PM

Valentines day. Me nag text... ang sabi ng tatay ko: 

"Ano ba tong Happy VD? Sino ba namang merong VD ang masaya. Ikaw ba tatawa ka pag nalaman mong me TULO ka?"

Iyakin

, Thursday, June 24, 2010 8:45 PM

Umuwi ako na maga ang mata dahil sa pag-iyak. Nakipag suntukan kasi ako sa school nuon at ako ay natalo... ang sabi ng tatay ko: 

"sa uulitin, kung makikipag-away ka wag na wag kang uuwing umiiyak kasi ako mismo gugulpi sa yo!"

Bumbay

, Sunday, June 20, 2010 8:59 PM

Namimili kami ng damit sa mall. May nakita akong mamahaling tshirt na kamukhang kamukha nung binili ko sa Divisoria... ang sabi ng tatay ko: 

"ang porma, wala yan sa brand, anak. tingnan mo si ranjit, yung bumbay, naka lacoste nga pero amuy putok pa rin."

Jeep

, Saturday, June 19, 2010 5:17 PM

Nung kinukulit ko ang tatay ko na turuan akong mag drive... ang sabi ng tatay ko: 

"bakit ba gusto mong matutong magmaneho? me kotse ka ba? kung akala mo pahihiramin kita ng jeep ko, pwes nagkakamali ka!"

Computer

, Thursday, June 17, 2010 7:36 PM

Dahil sa sobrang kaka-internet ko dati... ang sabi ng tatay ko: 

"wag mong sayangin ang buhay mo sa harap ng computer. walang maidudulot na mabuti sa iyo yan!"

---pero ang trabaho ko ngayun ay may kinalaman sa computer...

Fruit

, Tuesday, June 15, 2010 10:15 PM

Habang kumakain naging topic ang pag-ibig sa family reunion. Nagkakainitan ng pagtatalo... ang sabi ng tatay ko: 

"ang LOVE parang fruit salad lang yan... wag mo na itanong kung baket! kakainin mo pa ba yang salad mo? akin na lang."

Nasobrahan sa fruit salad...

Nasobrahan sa LOVE...

Perfume

, Saturday, June 12, 2010 12:32 PM

May umalingasaw. Maraming nagreklamo. Ang salarin pala ay ang tatay ko... ang sabi ng tatay ko: 

"mabaho ang utot ko!? aba'y saan ka naman naka-amoy ng utot na mabango?"

Grunge

, Wednesday, June 9, 2010 5:48 PM

Puting tshirt, punit na pantalon, Doc Marten boots, at cardigan (pormang ala Kurt Cobain)... ang sabi ng tatay ko: 

"okay lang sa akin kung gusto mo magmukhang adik basta wag ka lang mag-adik at sigurado buburahin ko mukha mo."

Nung tinanong ko kung pwedeng kong gayahin si Karl Roy muntik din nya burahin mukha ko...

Teacher

, Monday, June 7, 2010 10:19 PM

Nakikipag debate ako sa tatay ko at ayaw kong magpatalo... ang sabi ng tatay ko: 

"ah, so ibig sabihin mas magaling ka sa akin? alam mo, ang talino mo... bakit di ka na lang naging titser."

Haiti

, Sunday, June 6, 2010 5:57 PM

Ang nanay ko ay napakahilig mangonsyensya kapag me nakikitang tirang pagkain sa plato. Ang sabi ng tatay ko: 

"di ko na nga kayang UBUSIN!!! bakit, pag pinilit ko ba kainin yan mabubusog ba ang mga bata sa Haiti?"

Tiwala

, Friday, June 4, 2010 9:35 PM

May humingi ng tulong sa amin. Anak ng pinsan ng tatay ko. Pumasok ako ng bahay para kumuha ng pera ng pigilan ako ng tatay ko... ang sabi ng tatay ko: 

"wag kang maniwala dyan. oo nga kamag-anak ko yan, pero hunghang yan!"

Rush

, Wednesday, June 2, 2010 10:21 PM

Nakikinig ako ng Metallica... ang sabi ng tatay ko: 

"walang kwenta yang sounds mo. pakinggan mo tong tape ko, RUSH yan. yan ang rakenrol!"

--- at na-adik nga ako sa tugtugan ng RUSH...