Nuno

, Sunday, July 4, 2010 6:05 PM

Umiyak ang kapatid kong lalaki at nagreklamo na parang maga daw ang bayag nya. Ang sabi nya natatakot daw sya at baka nabati sya ng nuno sa punso... ang sabi ng tatay ko: 


"anong nuno sa punso? kaya sumakit ang itlog mo kasi umihi ka sa bahay ng anay kaya kinagat ng anay ang itlog mo!"

Bayag na malaki sana ilalagay kong picture kaso me mga madreng bumabasa ng blog na ito.

Panget

, Friday, July 2, 2010 6:06 PM

Minsang nagsama ako ng GF sa bahay nagtampo ako sa tatay ko kasi nag comment ng di maganda. Nag sorry naman sya... ang sabi ng tatay ko
"Di ko naman sinasabing pangit GF mo. Ang sabi ko, mas maganda ang kapatid at pag magkalapit sila pumapangit sya."
Hindi naman ito picture ng GF ko! Nakita ko lang ito DITO.