Wag na wag...

, Tuesday, April 12, 2011 1:25 AM

Elementary ako. Umuwi ako isang araw na dumudugo ang ilong at maluha-luha. Napa-away kasi ako at masama ang loob ko kasi natalo ako sa suntukan. Ang sabi ng tatay ko:

"Ayus lang yan anak. Okay lang na matalo sa suntukan. Bukas makalawa makakalimutan na ng mga kaklase mo yan. Ang wag na wag mo lang gagawin sa eskwela, na sigurado akong pag-uusapan nila hanggang sa pagtanda nyo, ay ang matae sa salawal. Yun ang wag na wag mong gagawin kasi for life mo na tatak yun."

1 Response to "Wag na wag..."

Rocky Batumbakal Says:

siguro natae sa salawal yang tatay mo nung nasa eskwela pa siya. hanggang ngayon may sama ng loob sa mga kaklase niya, haha.

Post a Comment